Bakit Nanghuhusga ang mga Tao sa Kapwa?

Ang panghuhusga ay nakakasaktan at nakakasira ng isang tao. Litrato mula sa Success Magazine.

Lahat tayo ay may iba't ibang katangian maging pisikal mn o hindi, iba’t iba rin ang ating kaisipan, saloobin at paniniwala at iba’t iba rin ang ating kwento. Ngunit sa kabila ng ating mga katangian na naiiba sa lahat, palaging nilalagay natin ang ating kapwa sa isang pangkat para bang kilala natin sila. Ang ganitong aksyon ay panghuhusga, panghuhusga sa ating buong kataohan. Bakit nanghuhusgahan tayo sa iba nang hindi naman natin alam ang kabilang panig ng barya?

Ang panghuhusga ng isang indibidwal ay parang “second nature” ng mga tao. Nagsisilbi itong natural na reaksyon o sa ibang salita ito ay para bang isang “survival instinct” natin upang ipagtanggol ang ating sarili kapag naramdaman natin na may nagbabanta o kapag naging ignorante tayo sa kung ano man ang maaaring maging dahilan ng mga kilos ng mga tao. Maliban sa pagiging “natural instinct” nito, naniniwala ako na nanghuhusga tayo sa ating kapwa dahil sa ating pagiging selosa/seloso, dahil nais nating mapabuti ang ating sarili at dahil ang ginawa nila ay sumasalungat sa ating sariling paniniwala.

Dahil sa inggit ay ibinababa natin ang ibang tao. Litrato mula sa Hidabroot.

Hinuhusgahan natin ang mga tao kapag naiinggit tayo sa kung ano ang mayroon sila o kung ano sila. Ganoong uri ng organismo tayo na hindi masisiyahan sa kung ano ang mayroon tayo, lagi nating ninanais na maging mas mahusay kaysa sa ibang tao at kapag nakikita natin ang iba na mayroon sila at tayo wala, nakakaramdam tayo ng inggit. Kaya, nanghuhusga tayo sa mga tao at ginagawa silang negatibo o hindi karapat-dapat sa kung ano ang mayroon sila. Ang ganitong uri ng pag-uugali ng isang tao ay ginagawa tayong mapait at hindi marunong tumanggap sa mga biyayang ibinigay sa atin.

Kung may mga taong humuhusga kapag nagseselos sila, may mga taong humuhusga kapag pakiramdam nila na nasa mababa na sila. Kapag naramdaman nila ito ay bumubuo sila ng maling panghuhusga upang gawing negatibo ang ibang tao. Sa madaling salita, mayroong mga tao na nagpapababa sa iba upang mapabuti and sariling pakiramdam. Tulad ng kapag ang isang tao ay maganda at sa tingin mo ay nasa ilalim ka niya, lilikha o maghahanap ka ng mga masasamang situasyon tulad ng "ang taong ito ay nag plastic surgery kaya naging maganda siya, eew ang peke." Ang pang-uugaling ito ay pareho sa mga naiinggit at ang kanilang mga aksyon ay nagpapakita na hindi nila tanggap ang kanilang sarili.

Lahat tayo may sariling paniniwala at mga standards ngunit minsan ang ating paniniwala ay nagreresulta sa atin na maging ignorante, hindi marunong rumespeto ng iba at nagiging close-minded tayo. Isang halimbawa, naniniwala ka na sa formal gathering ay dapat maging tahimik ngunit may mga taong maingay at nagsisitawanan at nasabi mo sa iyong sarili na wala silang respeto at ang kanilang aksyon ay isang kahihiyan. Ang ganitong pangingisip ay para sa mga close-minded at minsan dahil dito nilalagay natin ang isang tao sa isang pangkat kahit hindi natin alam ang tao katulad ng “masama”, “panget”, “diabetic” at iba pa, ito ay stereotyping at nakakasakit ito ng tao sapagkat parang minamaliit natin sila.

Ibaba ang ating sarili kaya igalang ang ibang tao nang may katotohanan. Litrato mula sa New Foundation Blog.

Walang tao ang may parehong pananaw sa isang tao, lahat tayo ay iba. Dapat marunong tayong rumespeto sa ating kaibahan at huwag maliitin ang isa’t isa at dahil sa ating kaibahan dapat lang na hindi tayo manghusga sapagkat hindi rin natin gusto mahusga ng mga tao. Isipin lang natin na tayo ay nasa kanilang sapatos kapag manghuhusga tayo, tanungin natin ang ating sarili kung masaya ba tayo kapag ganito rin ang gagawin ng mga tao. Lahat tayo hindi gustong husgahin na hindi pa nalalaman ng mga tao ang buong kuwento kasi kapag ginawa natin ito ay marealize natin kung gaano ka mali ang paghatol nang hindi nalalaman ang katotohanan. Huwag tayong maging mangmang, tayo ay mga taong edukado kaya't kumilos tayo tulad ng isa. Maliban lang diyan, kahit ano man at sino man tayo dapat marunong tayo tumanggap sa ating sarili. Ginawa tayo ng ganito ng Panginoon sapagkat alam Niya ito ay tama para sa atin at kung sa palagay natin ay parang nawawala tayo sa tamang daan, magbago tayo. Iwasan natin ang panghuhusga sapagkat magiging mapait at malungkot lang tayo at sa huli magsisisi lang tayo dahil sa ating mga aksyon.

Comments

Popular posts from this blog

Desiderata: Reflection

The Soul of the Great Bell: A Story Told and Reflected