Isang Magandang Alaala: CAT Survival Camping 2020

Ang pagkakaisa namin ay isang ginto na paghahalagahan nami. Litrato mula ni Emmy Julve.


          Ang Citizenship Advancement Training (CAT) ay isa sa mga bagay na bahagi sa kurikulum ng edukasyon para sa ikasampung (10) baitang at dahil ngayon ako ay nakatungtong sa baitang na ito, parte ako sa CAT. Hindi lamang ako miyembro nito ngunit isa rin ako sa mga mag-aaral na hinirang bilang assistant commander, isang ranggo na mas mataas kaysa sa isang pinuno ng platun. 

          Sa paaralan namin, ang mga miyembro ng CAT ay tagakatid ng disiplina sa mga estudyante, sa madaling salita kami ay parang mga pulis. Sa aking paniniwala, ang CAT ay hindi lamang tumutulong sa pagdidisiplina ng mga mag-aaral kundi ito ay isang organisasyon na nagbibigay diin at nagpapahusay ng aming disiplina sa sarili upang mapabuti ang kalidad at kabutihan namin bilang isang kabataan na myembro rin ng komunidad.

Maaga sa umaga, nakarating na sila. Litrato mula ni Emmy Julve.

          Isa sa mga kaganapan na nagbibigay tunay sa aking paniniwala ay ang taunang kamping ng organisasyong ito,  ang CAT Survival Camping, na ngayon ay pinangasiwaan naming commanders kasama ng aming commandant naganap noong January 11 hanggang january 12, 2020. Bilang isang mag-aaral ng ikasampung baitang, ang kamping na ito ay pinasasabik at inaabangan ng karamihan sa amin, isa na rin ako nito. Mga buwan bago palang ang kamping, ang mga platun ay nagplano at naghanda na sa mga kinakailangan nilang dalhin, diba labis ang kanilang kagalakan para nito. Nang parating na ang nasabing kaganapan makikita mo sa kanila ang kanilang kaba at kasabikan nito. Sa pagsubaybay ko sa kanila, kasiyahan at kaba din ang aking nararamdam sapagkat isa ako sa apat na nangangasiwa ng nasabing kamping.

          Bago ko man isalaysay ang mga pangyayari sa kamping, nais ko sana ipahiwatig ang sikap namin mga tagapangasiwa para sa tagumpay ng kamping ito.

          So sa panahong nagsimulang mag handa ang mga platun bago mag Christmas break ay unti-unti kami nag simulang mag plano para sa CAT camping at natapos namin ang pag plano namin para nito dalawa o isang araw bago magsipasok ulit kami sa aming klase pagkatapos ng mahabang bakasyon namin. Noong araw na yaon na sabi ko sa aking sarili na hindi ako makakatulog ng mabuti nito at nangyari nga ang nasabi ko, lahat siguro sa amin ay nag puyat para sa kamping na ito, lumala siya ng pumasok na kami ulit sa paaralan.

          Nang nagsibalik kami, natanto namin na isang linggo nalang pala bago mag kamping kaya gabi-gabi nagkaroon kami ng pulong para sa mga bagay na dapat namin bilhin at ihanda ang mga bagay na aming nakalimutan na hindi dapat kalimutan . Dahil diyan, sa sumusunod na araw, pagkatapos ng aming klase ay agad kaming mga commanders lumabas upang bilhin namin ang mga kinakailangan. Ang aming pabalikbalik na lakad para sa mga kagamitan ng mga bagay ay nakakapagod talaga lalo na't hindi lang iyan ang dapat namin inaatupag kundi pati na rin ang mga bagay sa aming pag-aaral.

            Naawa ako sa aming sarili sapagkat apat lang kami, hindi katulad sa I.start namin sa SSG kung saan maraming kamay ang makakagawa sa iba't ibang mga gawain na dapat tapusin. Minsan nga dahil abala ako sa kamping, katulad ng pag-eedit ng program layout at iba pa at ang pag-aaral,  katulad ng pagrereview sa mga aralin, ay hindi ko namamalayan na kaunting oras na lang pala ako makakatulog. Nang dumating na ang araw na aming pingahandaan, masasabi ko na ang mga gabing walang tulong at mga araw na nakakapagod ay sulit sapagkat nakita ko na karamihan sa kanila ay nasiyahan sa kamping. Hindi naman talaga natin maiiwasan na may mga tao na palagi nalang reklamo, reklamo, reklamo pero kahit may mga taong ganiyan, nagpapasalamat ako sa tagumpay ng kamping.

          Marami ang nangyari sa CAT Camping na hindi ko malilimutan. Unang una sa lahat, sa umaga ng kamping, specifically sa oras ng alas'ingko ng umaga, dahil nga kaming mga tagapangasiwa ay natulog sa paaralan sa gabi ng kamping, kami lamang ang mga tao, maliban sa mga guardiya, sa paaralan pero maririnig mo na parang maingay sa labas ng gate. Hindi ko inisip na baka ang mga kamagaral na namin ang nasa labas pero na gulat ako dahil ang mga kamag-aral nga snga namin ang nasa labas. Dito makikita mo sa kanila ang kanilang pagka determinado kasi kahit nais pa nilang matulog, pinilit nilang gumising ng umaga upang hindi malate ang kanilang platun sa kamping.

          Hindi lang iyan, sa unang laro namin sa umaga na pinangalan na 'Find Me', masusuri natin ang kanilang pasensya at determinasyon sapagkat kailangan nilang hanapin ang kanilang bandana at watawat na itinago namin. Sa larong ito, nakisali rin ang ulan na nakapag mas mahirap sa kanilang paghahanap, silang lahat ay sama-samang pabalikbalik sa pagtakbo sa buong grounds ng aming paaralan upang mahanap lang ang kanilang bandana at watawat. Ang ibang platun ay nakakuha na ng 9 out of 10 na bandana ngunit hindi parin nila na kita ang huling bandana hanggang sa umabot sila sa oras, natapos nila ang laro na hindi pinangalanan bilang panalo sa pagkuha ng sampung bandana. Isang pahabol na alaala, pagkatapos ng larong ito ay nagmukha silang basang sisiw, nakakatawa silang tignan sapagkat makikita mo ang pagkabigo nila sa paghahanap ng kanilang bandana na nakatago sa isang lugar na pinasa na nila ng marami pero sa kabila ng kanilang pagkabigo, ang kanilang fighting spirit ay kitang-kita sa kanilang mga mata.

           Ang isa mga paborito ko sa kamping ay ang noong naghanda sila ng apoy gamit ang kahoy upang makapagluto sila. Naging isa sa mga paborito kong aktibidad ito sapagkat maaalala ko ang kanilang malaking pagbabago sa paghahanda at pagluluto nila gamit ang apoy at kahoy. Noong una palang nila itong ginawa ay  wala silang ka alam-alam, nahirapan at natagalan silang nakapagluto sa kanilang mga pagkain, iba nga ay nawalan na ng gana dahil sa tagal. Ngunit ng umabot ang gabi, parang ang kanilang skills sa pag handa ng apoy ay parang lumevel-up at kayang-kaya na nilang gumawa nito na parang sanay na silang gumawa ng apoy. Hindi ko talga malilimutan ang kanilang paghihirap sa pagluluto hanggang naging kasiya-siya ang pag handa ng apoy.

Isa sa mga miyembro na Platung Delta nahihirapan sa pag pa apoy. Litrato mula ni Emmy Julve.


            At ang pinaka paborito ko sa lahat, ang bonfire. Ang bonfire na ito ay iba sa mga nakaraang bonfire na aking naranasan sapagkat dito mo isusunog ang iyong negatibong attributes o gawain noong 2019. Sa gawaing ito, hindi ko mahinto ngunit pakiramdam na parang isang mabigat na bagay  ang tinanggal mula sa aking mga balikat at napakagandang damdamin iyon, masasabi mong unti-unti kang naka move on dahil nito. Maliban lang diyan, ang dahilan kung bakit paborito ko ang sesyong ito ay kasi nabigyan ako nang pagkakataon na mas lalong patibayin ang pagsasamahan namin ng aking matalik kong kaibigan, at dahil dito nakausap ko siya tungkol sa mga problema namin noon at mga problema namin ngayon tungkol sa kaibigan, pamilya at ang hinaharap namin. Maliban lang diyan, dahil dito nag karoon na rin sa wakas ng closure ang tatlo naming kaibigan na noo'y parte sa grupo naming tinatawag bilang 'Pentatio'. Hindi man nabilik ang nakaraan naming relasyon ngunit dahil sa kanilang komunikasyong nagawa sa bonfire na ito ay nagsasalita na sila sa isa't isa ngayon.

Paghahanda para sa aktibidad bago mag camp fire. Litrato ni Emmy Julve.


           Masasabi ko, kahit hindi man sinabi ng aming commandant, na sa kamping na ito mahihiwatig ang kasabihang "grace under pressure" at lahat ng mga laro na aming napag handaan, ang kasabihang ito ay maaaring ma-apply. Ang ibig sabihin nito ay sa lahat ng mga problema o hamon na kanilang mararanasan, haharapin nila ito kalmado at nasa tamang isip, hindi nagtatadyak, hindi nagtatantrums. Pagdating kasi sa paghaharap ng mga pagsubok sa buhay ay dapat maging level headed at hindi dapat ang emosyon ang nagdedesisyon para sa atin sapagkat ang ating emosyon ay maaaring hahadlang lang sa atin sa pag pili ng tamang desisyon.

            Ang kamping na ito ay nakapagtulong sa pagpapatibay namin bilang isang pamilya, platun at bilang parte sa komunidad. Maliban lang diyan, nakakatulong ito sa pag laki namin bilang indibidwal. Ngunit hindi man nakita ito ng ibang tao dahil na balot sila ng poot at galit sa kamping, nais ko sana para sa kanila na bitawin at harapin ang problema nila rationally at maturely. Ang kamping na ito ay nagbigay ng oportunidad na lumaki at magbago bilang isang indibidwal o bilang isang tao na nakatuon sa isang grupo na kung saan ang platun nila ang grupo nila sa sitwasyong ito bilang isang mag-aaral. Maraming asal ang nakuha namin sa kamping at hindi lang iyan kundi nakagawa rin kami ng mga alaala, negatibo man o positibo, na hindi namin, hindi ko malilimutan. Nagpapasalamat ako na sa huling taon ng aming batch bilang Junior Highschool, nakaranas kami ng saya, kagalakan, pagod, pagpupuyat at pagkakaisa dito sa huling kamping namin. Isa ngang magandang alaala ang CAT Survival Camping 2020.

Salamat CAT Camping! Litrato mula ni Emmy Julve.

Comments

Popular posts from this blog

Desiderata: Reflection

The Soul of the Great Bell: A Story Told and Reflected

Bakit Nanghuhusga ang mga Tao sa Kapwa?