Buwan ng Wika (8/29/16) re-upload

Ang aking kasuotan

Noong Biyernes, Agosto 26, 2016, lahat ng mga mag-aaral, guro at staffs ng Asian College of Technology ay nagkaroon ng pagdiriwang ukol sa Buwan ng Wika kung saan lahat ng mga tao sa eskwelahan ay nagsusuot ng filipiniana, barong tagalog, baro't saya at kamisa de chino. Isa ako sa mga babae na nagsusuot ng filipiniana. Ang aking kasuotan ay isang inspirasyon sa kasuotan ng kababaihan sa Visayas Region. Kahit hindi kagandahan ang ang aking suot masaya parin akong 
suotin ito sa araw ng Buwan ng Wika.

Ako at ang dalawa kong kaibigan na nagluluto
Sa umaga ng araw na iyon, naglaro kami ng pang pilipinong laro katulad ng luksong baka at tinik, bahaw bahaw, at iba pa. Siyempre, habang naglalaro kami, nakasuot parin kami sa aming mga kasuotan. Sa kasamaang-palad, hindi ako isa sa mga mag-aaral na naglalaro, pero isa ako sa mga mag-aaral na nagluluto ng kakanin, kasama ang dalawa kong kaibigan. Habang ang aming mga kamag-aral ay abalang naglalaro kaming tatlo naman ay abalang nag luluto ng biko, ang kakanin na pinili naming lutuin.

Ang salu-salo namin
Isa sa aking malapit na kaibigan
Pagkatapos ng mga laro sa umaga nagkaroon kami ng salu-salo. Lahat ay masayang kumain ng mga pagkain na dinala ng mga mag-aaral. Sumunod naman ang programa sa hapon kung saan nalalaman ang mga nanalo sa mga laro kaninang umaga. Kahit nakakapagod ang pinag gagawa namin sa araw na iyon, masaya parin kami dahil kasama namin ang mga kaibigan namin sa pagdidiriwang ng Buwan ng Wika.











Comments

Popular posts from this blog

Desiderata: Reflection

The Soul of the Great Bell: A Story Told and Reflected

Bakit Nanghuhusga ang mga Tao sa Kapwa?