Bakit Nanghuhusga ang mga Tao sa Kapwa?
Ang panghuhusga ay nakakasaktan at nakakasira ng isang tao. Litrato mula sa Success Magazine. Lahat tayo ay may iba't ibang katangian maging pisikal mn o hindi, iba’t iba rin ang ating kaisipan, saloobin at paniniwala at iba’t iba rin ang ating kwento. Ngunit sa kabila ng ating mga katangian na naiiba sa lahat, palaging nilalagay natin ang ating kapwa sa isang pangkat para bang kilala natin sila. Ang ganitong aksyon ay panghuhusga, panghuhusga sa ating buong kataohan. Bakit nanghuhusgahan tayo sa iba nang hindi naman natin alam ang kabilang panig ng barya? Ang panghuhusga ng isang indibidwal ay parang “second nature” ng mga tao. Nagsisilbi itong natural na reaksyon o sa ibang salita ito ay para bang isang “survival instinct” natin upang ipagtanggol ang ating sarili kapag naramdaman natin na may nagbabanta o kapag naging ignorante tayo sa kung ano man ang maaaring maging dahilan ng mga kilos ng mga tao. Maliban sa pagiging “natural instinct” nito, naniniwala ako na nanghu...